Dagupan City – Isinagawa ang 3-days seminar na may temang Research Frontiers Unveiling Summit and Advancing Skills para sa mga kaguruan sa Region 1.

Ayon sa Co-Organizer na si Sir Arthuro Blanco, Master Teacher III layunin nito na ma-refuel ang mga kaguruan professionally.

Hindi kasi aniya sapat ang AI sa pagtunlong sa pagbibigay ng karagdang kaalaman at skills hinggil sa pagtuturo.

--Ads--

Katuwang naman sa aktibidad si Dr. Westly Rosario, Professional Regulation Commission & Former Center Chief ng National Integrated Fisheries Technology Development Center-BFAR Pangasinan sa aktibidad at iba pang mga kaguruan sa bawa’t distrito.

Nilinaw naman nito na walang deskriminasyon sa isinasagawanga aktibidad at bukas ang mga ito sa pagtanggap sa adhikaing mas madagdagan ang kaalaman ng mga kaguruan sa region 1.