Dagupan City – Nagsagawa ng pagbisita at pamamahagi ng tulong pinansyal ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Manaoag.

Bahagi ito ng pagpapakita ng malasakit sa mga kapus-palad na mga senior citizens.

Dalawampu’t-anim (26) na matatanda, tig-isa mula sa bawat barangay sa bayan, ang nabigyan ng tig-P2,000 bawat isa upang matulungan silang mabili ang kanilang mga pangangailangan gaya ng pagkain o mga gamot.

--Ads--

Ang programa ay naglalayong matulungan ang mga senior citizens na nag-iisa na lamang sa buhay at nangangailangan ng karagdagang suporta.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga senior Citizens na nakatanggap ng tulong pinansyal sa kanilang MSWDO.

Ang pagbisita at pamamahagi ng tulong pinansyal ay isa lamang sa mga programa ng MSWDO na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa mga senior citizens sa kanilang bayan. (Oliver Dacumos)