Dagupan City – Nagtala ng malawakang evacuation at pagsara ng mga establishimento ang Hurricane Milton sa Florida, Estados Unidos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aaron Arcilla, Bombo International News Correspondent sa Florida, USA, tanging hostpial, gymnasiums, evacuation centers, at western part ng Florida ang nagiging shelter ng mga residente sa lugar.

Ito’y matapos na ituring ng US Federal Emergency Management Agency (Fema) ang bagyong Milton bilang pinakamalakas na bagyong dadaan sa US na magdudulot ng bilyong halaga ng pinsala.

--Ads--

Sa katunayan aniya, nauna nang pinalikas ang mga residente sa lugar bago pa man manalasa ang bagyo. Kaugnay nito, marami na rin aniya ang nagpanic buying.

Sa kabila naman nito, siniguro naman ng pamahalaan sa bansa na patuloy ang kanilang pamamahagi ng mga pagkain, relief goods, at tulong sa mga residente.