Mga kabombo! inulan ngayon ng pambabatikos ang isang airlines matapos na hindi payagan ang tatlong babaeng maka-biyahe.
Ang rason ng mga ito, dahil raw nakasuot ang 3 babae ng fashion trend ngayong crop top? Ayon sa ulat, pinababa ang mga ito ng isang male flight attendant na hindi umano sang-ayon sa pananamit ng tatlong pasaherong babae.
Kinilala ang mga kababaihang ito na sina Tara Kehidi at Teresa Araujo mula sa Southern California sa U.S.
Lumalabas naman na bagama’t nakasuot ng sweaters ang dalawang babae nang sumakay ng eroplano, agad namang tinanggal ng mga ito pag-upo sa kanilang seats dahil patay ang air-conditioning sa eroplano bago ito lumipad.
Habang nagkakaroon ng diskusyon sina Tara sa flight attendant, dito na kinatigan ni Carla ang pahayag ni Tara na mainit sa loob ng eroplano noong mga oras na iyon dahil walang aircon.
Agad namang pinababa sa eroplano sina Tara, Teresa, at si Carla kasama ang kanyang toddler.
Sa kabila ng aberya, wala umanong nakuhang refund ang tatlo na aabot sana sa $1,000 o katumbas ng P56,900.