DAGUPAN CITY – “There is much more requirements.”

Yan ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco Political Analyst hinggil sa napakaraming bilang ng mga social media influencers at content creators na pawang mga wala namang alam sa politika.

Aniya na dapat ay inalam muna nila kung ano ang trabaho sa posisyon o opisina na tinatakbuhan nila upang malinaw kung ano ang mga responsibilidad nito.

--Ads--

Dahil hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng mabuting puso bilang kwalipikasyon sa pagtakbo dapat ipakita nila ang kanilang plano, mga batas na nais isulong gayundin ang kanilang legislative agenda.

Bagamat ang kanilang mga tinatakbuhang mga posisyon ay may responsibilidad at tungkulin na nakaatang at dapat ay alam ng mga botante kung kaya ba itong gampanan ng isang kandidato upang makaboto at makapili ng tama.

Ang pagboto ay may kapalit na serbisyo, hindi ayuda o papogi lamang subalit mga output gaya ng paggawa ng batas na siyang tutugon sa mga problema ng ating bansa.