DAGUPAN CITY – “Hindi alam ang koneksiyon ng isinawalat na impormasyon kaugnay sa paggawa ng batas.”
Yan ang naging sagot ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst kaugnay sa pagkumpirma ni Wang Fu Gui, dating kasamahan sa kulungan ni She Zhijiang, sa opisina ni Sen. Risa Hontiveros na isa umanong Chinese Spy si Alice Guo.
Aniya na kung ito ay totoo at nahuli ng NBI ay maaaring kasuhan ng espionage at makukulong siya habangbuhay.
Subalit pagbabahagi niya na dalawang bagay muna ang kailangang mabigyan ng linaw.
Una kung ang mga impormasyon ba na nakuha ng mga senador ay naberipika at pangalawa kung napatunayang spy ito ay dapat na kasuhan at alamin kung may mga network pa itong nagtatago sa bawat sulok ng bansa.
Paalala din niya na dapat ay maghinay hinay din ang mga senador sa pagsisiwalat ng mga ganitong imporamasyon dahil hindi lamang ito simpleng usap politiko subalit ito ay tungkol rin sa national security bansa.
Kaya’t mainam na malinaw ang legislative objective ng mga ganitong pagdinig upang malaman ang patutunguhan nito.