DAGUPAN CITY- Nasa 28 ang naghain ng Certificate of Candidacy sa lungsod ng Dagupan na binubuo ng dalawang grupo.

Ayon kay Atty. Michael Frans Sarmiento, Comelec Officer sa Comelec Dagupan City, ito ay ang Fernandez-Kua Team na sina incumbent Mayor belen Fernandez para sa pagka alcalde ng syudad at ang si Vice Mayor Bryan Kua, Councilors Michael Fernandez, Jigs Seen, at ang magbabalik sa posisyon na sina Chito Samson, atty. Joey Tamayo, Engr. Carlos Reyna, Joshua Bugayong, at Marvin Fabia, Danee Canto, Dra Jalice “Jaja” Cayabyab at Christel Hillary “Tala” Paras.

Habang ang ikalawang grupo naman ay tatakbo bilang Alkalde ng Dagupan City si Incumbent Councilor Manang Celia Lim at Vice Mayoralty Candidate naman ang dating alkalde na si Brian Lim. At ang mga councilors na sina re-electionist councilors Dada Reyna-Macalanda, Red P. Erfe-Mejia, Alvin Coquia, Dra. Malou S. Fernandez, Irene C. Lim at si Alfie Fernandez at Leo Cuaton, Jek Palaganas, Benedict Cayabyab at Kristofferson Lim Chua ang bagong naidagdag

--Ads--

Samantala, nakapagtala naman ng Comelec Lingayen ng nasa 28 din na nagpasa ng kanilang kandidatura as of Alas 2 ng hapon kahapon.

Ayon naman kay Reina Corazon Ferrer, Commelec Officer sa naturang bayan, para sa mayor ay tatlo ang naghain ng kanilang kandidatura, at dalawa sa vice mayor at mga sanguniang bayan.

Tuloy tuloy na rin ang mga aktibidad na isasagawa ng Comelec kaugnay sa nalalapit na halalan na nakatakada sa May 12, 2025

Nanawagan din ang mga Comelec official kasabay ng pagtatapos ng filing of certificate of candidacy na ngayon pa lamang maging mapanauri at makilatis ang publiko s pagbili ng kanilang mga iboboto na mamumuno anamn sa kanilang lugar.