Matagumpay na isinagawa ang inagurasyon ng bagong double A Slaughter House Bldg. at Poultry Dressing Plant sa brgy. Cabatling, sa bayan ng Malasiqui.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni City Mayor Noel Anthony M. Geslani kasama si Vice-Mayor Alfe M. Soriano, at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Si Rev. Fr. Anthony Layug ang nagsagawa ng misa at pagbabasbas ng dalawang pasilidad.

--Ads--

Ang nasabing slaughterhouse at poultry dressing plant na parehong pangmatagalang pamumuhunan ng munisipyo ay inaasahang lilikha at magpapaunlad ng ekonomiya na isasalin naman sa iba pang mga programa at serbisyo na makikinabang sa publiko sa mga darating na taon.

Dumalo din ang Provincial Veterinarian na si Dr. Arcely G. Rebeniol sa nasabing programa at ipinahayag ang mabuting hangarin ng pamahalaang panlalawigan sa gawaing ito ng munisipyo.

Ang inagurasyon ng mga imprastrakturang ito ay naging maayos sa tulong nina Slaughterhouse Master na si Dr. Mia C. Bautista, ang Acting Municipal Treasurer na si Catherine E. Mejia, at ng iba pang empleyado mula sa lokal na pamahalaan ng Malasiqui.

Samantala, dumalo rin sa programa ang National Meat Inspection Service o NMIS sa pamumuno ni Dr. Orlando C. Ongsotto, Dr. Clarita M. Sangcal, Dr. Fernando N. Lontoc, at Dr. Roberto S. Umali upang magbigay ng kani-kanilang mensahe.