Dagupan City – Nakahanda nang isumite ngayong araw sa sangguniang panglungsod ang proposed annual budeget na nagkakahalaga ng P1.608 billion budget para sa taong 02025 sa lungsod ng Dagupan.

Kung saan kahapon, araw ng lunes ay pinirmahan na ni Mayor Belen Fernandez ang naturang budget para sa mga programa, proyekto at iba pang paglalaanan nito para lalong Lalo na sa kapakanan ng residente ng syudad, dahil nakatkada ang eadline nito sa October 16, taong kaslaukuyan.

At Kabilang dito ang Health Services & Nutrition Program, Scholarship Program, Special Education Fund, Social Services Program, Gender and Development Plan, Support to PWD, Youth and Sports Development Program, Agri-Tourism and Coastal Management Program, Tourism and Cultural Affairs, aid to Barangays, CDRRM Preparedness, Mitigation, Rehabilitation and Quick Response Fund, Anti-Drug Abuse Program,Mat iba pang mga integral plan at proyekto para sa syudad.

--Ads--

Ayon sa alklade na tumaas naman ang budget para sa susunod na taon. Samantala,Umaasa naman ito at ang kanyang mga nasasakupan na maaprubahan kaagad ang proposed annual budeget ng mga miyembro ng sangguniang panglungsod. (Aira Chicano)