DAGUPAN CITY- Tinitiyak ng Commission on Election Offices sa bayan ng Mangaldan at San Jacinto ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga aspirant para sa Midterms Election 2025.
Ayon kay Gloria Cadiente, Election Officer Mangaldan, may kabuoan nang 9 na naghain ng kandidatura para bayan ng Mangaldan. Tig-isa rito ang para sa pagka-alkalde at bise alklade at 7 naman para sa pagka-konsehal.
Aniya, bali-balita pa sa kanilang lugar na may dalawa pang grupo at ilang independent sangguniang bayan members ang maghahain ngayon huling araw.
Umpisa pa lamang ay handa na umano sila sa maaaring pagdumog sa unang araw o sa huling araw ng filing of certificate of candidacy dahil sa mga paniniwala.
Sinabi din niya na wala naman silang naging problema sa mga nagpapasa ng mga dokumento dahil tinitiyak naman nila sa mga naghahain na kumpleto sila ng mga kailangan.
Pagdating naman sa Automated Counting Machine (ACM) ay inaasahan nilang darating ang mga ito sa Nobyembre hanggang Enero, batay sa schedule.
Samantala, ayon naman kay Maja Chakra Indon, Election Officer ng San Jacinto, simula Oktubre 1 hanggang kahapon ay umabot pa lamang sa 14 ang naghain ng kanilang COC.
Kabilang na sa mga naghain ay sina Incumbent Mayor Leo De Vera, Incumbent Vice Mayor Robert De Vera at kasama ang 8 aspirant counsilors at 4 na indibidwal.
Aniya, walang kasiguraduhan na may hahabol pa ngayon araw subalit, handa naman sila kung sakaling mayroon man. Inaasahan naman nila isang grupo na maghahain ngayon araw.
Sinabi pa ni Indon na pagkatapos ng filing ng COC ay mayroon na rin silang schedule para sa demonstration ng ACM at konstitusyon ng mga guro kung sino-sino ang mga aakto.