DAGUPAN CITY- Tama lamang umano na mag-back out ang St. Timothy Construction Corporation (STCC) sa joint venture partnership ng Miru System dahil lumalabas na may plano ito na tumakbo sa nalalapit na halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Danilo Arao, Convenor ng Kontra Daya, malinaw na ito ay conflict of interest kaya dapat maging diresto ang Commission on Election (COMELEC) sa magiging implikasyon nito sa joint venture.
Aniya, ang STCC ang may mahalagang papel dahil may malaki itong asset para patunayan na kaya ng Miru System at iba pang partners nito sa lokal ang bilyon-bilyong halaga ng Automated Election System projects.
Bagaman hindi biro ang kontratang ito, posible naman na matiyak na magagawa pa rin mabayan ang halagang maiiwan para sa implementasyon ng proyekto.
Dapat lamamng na maging transparent ang Comelec sa publiko ang mga dokumento upang mabusisi rin ito ng mga tao.
Sinabi din ni Prof. Arao na maaaring oportunidad na rin ito para sa Comelec para ikonsidera ang paglipat sa hybrid election system.
Hindi pa aniya huli para iatras ang paggamit ng Automated Counting Machine (ACM) at magiging electronic aspect na lamang ang transmission.