Inaasahang darating sa ikatlong buwan ng Oktubre ang nasa 30,000 metriko tonelada (MT) na imported frozen fish.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera, ang importasyon ng isda ang nangyayari naman bawat taon tuwing last quarter ng taon dahil sa closed fishing season.
Sa ngayon ay hindi pa dumarating ang inaangkat na isda, subalit posible aniyang dumating sa bansa ang mga imported na isa sa ikatlong linggo ng Oktubre.
Karamihan sa mga inaasahan na imported na isda ay galunggong.
Nakatakdang magkaroon ng closed fishing season sa north eastern part ng Palawan para sa galunggong.
Paliwanag niya hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagtaas ng volume ng imported na isda.
Ang volume ng inaangkat na isda ay bunga ng rekomendasyon ng multisectoral groups na ang volume ng importation ay base sa actual na konsumo sa panahong may gap dahil sa closed fishing season.