Makalipas ang isang taon ay nakalabas na ng ospital ang isang nurse matapos na tamaan ng kidlat sa USA.

Akala ng 32 anyos na si Thalita Teixeira Padilla, mula sa Boston, USA na katapusan na ng kanyang buhay noong September 9, 2023.

Bago mangyari ang insidente, mamamasyal noon si Thalita papunta sa malapit na beach, kasama ang kanyang alagang Australian shepherd na si Bruce.

--Ads--

Nakatira noon si Thalita sa isang neighborhood sa Boston, U.S.A.

Saad nito na madalas mabati ang kanyang alaga kahit saan man sila magpunta.

Noong araw na iyon, habang naglalakad sa beach ay nagsimulang umulan kaya nagdesisyon si Thalita na maglakad na pauwi.

Pero isang babae ang bumati kay Bruce kaya tumigil muna si Thalita para makipagkuwentuhan.

Habang nagkukuwentuhan sila, biglang tumama sa kanilang kinaroroonan ang kidlat.

Tumilapon sa ere si Thalita at ang kausap na babae habang nabiyak naman ang isang punong malapit sa kinatatayuan nila.

Bumagsak si Thalita at nawalan ng malay.

Inabot ng tatlong buwan bago madiskubre ni Thalita na na-damage ang kanyang spinal cord.

Nanatili siya sa ICU nang isang buwan at hindi siya makapagsalita sa loob ng halos isang buwan.

Namalagi sa ospital si Thalita para gamutin ang kanyang spinal cord injury, nerve damage, at mga sugat sa dibdib at hita.

Natakot ang pamilya ni Thalita dahil inakala nilang babawian siya ng buhay.