Hindi umano dapat magpakampante sa pagbagal ng inflation rate sa bansa.

Ayon kay Sonny Africa, executive Director ng Ibon Foundation, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang pagbaba ng inflation rate ay ang paglakas ng piso kontra dolyar at pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Aniya, kahit humihina ang dolyar at bumaba pa ang presyo ng langis ay hindi naman nareresolba ang pangunahing problema sa loob ng bansa gaya ng pagmahal na mga bilihin.

--Ads--

Ibig sabihin ay maliit na ginhawa langito para sa mamamayang Pilipino.

Kailangan na pa ang ibayong hakbang ng gobyerno para mapataas ang kita ng mga pamilya at mahabol ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kaugnay nito ay hinimok niya ang gobyerno na palakasin ng sector ng agrikultura at huwag parati na maging import dependent.

Tinukoy din ni Africa ang pinakahuling survey ng Bangko Sentral kamakailan na lumaki pa ang bilang ng pamilya na walang savings mula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Una rito, inihayag ng isang kongresista na na epektibo ang mga hakbang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para mapababa ang presyo ng mga bilihin.

Ang inflation rate nitong Setyembre ay pumalo sa 1.9% na pinakamababa sa loob ng apat na taon base sa Philippine Statistics Authority (PSA).