DAGUPAN CITY – Ipinasakamay na ng local na pamahalaan ng burgos ang social pension para sa mga benipisyaryo nito bilang bahagi sa selebrasyon ng Senior Citizens Month ngayong buwan ng Oktubre.

Ang pamamahagi ay pinangunhan ng alklade ng bayan na si Mayor Jesster Allan Valenzuela alinsunod na rin sa Ordinance No.02-2024 kung saan ang na matatanggap ng bawat senior citizen ang kanilang social pension bawat taon.

Ang nasabing ordinansa ay naglalayong magbigay ng karagdagang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P500 sa mga senior citizen. Ang nasabing halaga ay tataas bawat taon depende sa internal revenue allotment ng munisipalidad o sa pagkakaroon ng pondo.

--Ads--

Gayundin upang tugunan ang mga lumalabas na alalahanin ng mga senior citizen tungkol sa hindi pantay at bahagyang pamamahagi ng mga social pension mula sa pambansang ahensya, na nagbibigay sa kanila ng pantay na oportunidad sa pinansyal simula sa susunod na taon.

Samantala, ang pagdiriwang ng Buwan ng mga Senior Citizen, na pinangunahan ng Office of Senior Citizens Affairs sa pakikipagtulungan sa Senior Citizens Association, ay nagtipon ng halos lahat ng mga senior citizen mula sa labing-apat na iba’t ibang barangay sa munisipalidad. Naging plataporma ito upang kilalanin ang tatlong sentenaryo sa distrito ng Burgos na may edad na isang daan o higit pa.

Bilang bahagi ng pagdiriwang,ay dumalo sa kaganapan at nagbigay ng mga mensahe ang iba’t ibang mga opisyales ng bayan at mula sa uno distrito.

Bukod sa distribusyon ng social pension ay nagakroon din ng ilang mga aktibidad at programa para sa nasabing pagdiriwang.