Nangako si Chinese President Xi Jinping sa kaniyang counterpart sa North Korea na si Kim Jong Un para sa pagpapatatag pa ng relasyon ng dalawang bansa.
Nagkausap ang dalawang lider upang markahan ang kanilang major dimplomatic anniversary.
Ayon kay Xi, willing ang China na makipagtulungan sa North Korea upang palakasin pa ang kanilang strategic communication at coordination, mapalalim pa ang relasyon ng bansa, at maging kooperasyon.
Sinabi din niya na nagtutulungan ang Beijing at Pyongyang upang i-promote ang kapayapaan at katatagan ng kanilang rehiyon, at itaguyod ang internasyonal na pagkapantaypantay at hustisya.
Sinabi naman ni Kim sa isang North Korean state news agency na patuloy silang magsusumikap na pagsamahin at paunlarin ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng North Korea at China.