Usap-usapan ngayon ang cryptic post sa social media ng actress na si Julia Montes.

Kung saan, nagbigay umano ito ng kakaibang ingay matapos ang kanyang cryptic post sa Instagram noong Oktubre 4, 2024.

Sa kanyang social media Story, nagbahagi siya ng isang blind item na nag-uugnay sa isang tao na kanyang tinulungan, na ngayon ay tila nagsasalita ng masama tungkol sa kanya.

--Ads--

Agad naming kumalat ang mga spekulasyon sa X (dating Twitter) kung sino ang tinutukoy ni Julia.

Isang netizen din ang nagmungkahi na ito ay isang kapwa artista, habang may isa namang nagtanong kung kamag-anak lamang ito.

Hanggang ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kay Julia kung sino ang kanyang pinapatamaan.

Samantala, abala naman ang actress sa kanyang television comeback sa “Saving Grace,” ang Philippine adaptation ng sikat na Japanese drama na “Mother.”

Sa katunyana, kakatapos lang nilang mag-shooting sa Palawan kasama ang co-star na si Sam Milby at ang batang aktres na si Zia Grace, na maraming humuhulang anak niya kay Coco Martin.