Dagupan City – Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos ang programang scubasurero sa kanilang lugar.

Kung saan ay nagsagwa ang United Architects of the Philippines ‘Pangasinan Magnayon Chapter’ ng paglilinis sa kapaligiran ng mga isla at katubigan ng Hundred Islands National Park upang mapanatili ang sustainable environmental conservation, protection and rehabilitation program sa mga pook pasyalan sa lungsod.

Ang naturang Gawain ay parte rin sa paggunita ng World Architects Day.

--Ads--

Kung saan pinangasiwaan ito ng City Environment and Natural Resources Office katuwang ang PNP EOD K9 Unit, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology, PNP Maritime, PNP-Alaminos City, Task Force Isla Divers, Bantay Dagat ang ginawang pagllinis at pagahahkot ng mga basura.

Layunin ng programang scubasurero ang pagpapahalaga sa kalikasan at ang pagsulong ng tama at responasableng pagtatapon ng basura sa tamang tapunan. (Aira Chicano)