Nagkaisa ang syudad ng San Carlos dito sa lalawigan ng Pangasinan sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day ngayong araw
Dinaluhan naman ito ni City Mayor Julier “Ayoy” Resuello kasama ng Day Care Workers o child development workers sa kanilang syudad.
Kung saan ang nasabing selebrasyon ay pagkakataon upang ipakita ang pagpapahalaga at pasasalamat sa kanilang dedikasyon at pagsisikap sa edukasyon.
Mahalaga ang araw na ito hindi lamang para sa mga guro kundi para sa lahat ng nagtatrabaho sa larangan ng edukasyon.
Samantala, lubos namang ikinagalak ng alkalde na kasama siya sa nasabing selebresyon.
Aniya ay ramdam niya ang pagmamahal ng mga child development workers sakanya dahil sa ipinakitang mainit na pagtanggap sa alkalde.
Dito rin ay napatunayan na nananatili ang magandang koneksyon ng lokal na pamahalaan at ang mga barangay workers.
Ang World Teachers’ Day ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre 5 ng bawat taon upang kilalanin ang mahalagang papel ng mga guro sa lipunan.