Dagupan City – Magsasagawa ng masusing information drive ang Commission on Elections (COMELEC) sa 34 na barangay ng Dagupan City sa buwan ng Disyembre at Enero sa paggamit ng Automated Counting Machine (ACM) sa darating na halalan.

Ayon kay Atty. Michael Frank Sarmiento, Election Supervisor ng COMELEC Dagupan City, ang information drive ay magbibigay ng pagkakataon sa mga botante na maging pamilyar sa ACM at matuto kung paano ito gamitin.

Kasama sa information drive ang mga demonstrasyon ng ACM sa bawat barangay. Magtatakda umano sila ng schedule para sa bawat barangay upang matiyak na maabot ng COMELEC ang lahat ng mga residente.

--Ads--

Dagdag nito na ang allotment lamang ng mga ACM sa bawat munisipyo o lungsod ay isa lamang muna para magamit sa demonstrasyon.

Layunin nito ay upang maipakita sa publiko ang itsura at paano gamitin ang ACM. Ang ganitong uri ng information drive ay isinasagawa sa buong bansa upang ihanda ang mga botante para sa halalan.

Samantala, nagpapatuloy parin ang opisina ng Comelec dagupan City sa ikalimang araw sa pagtanggap ng Certificate of Candidacy (COC) para sa darating na halalan.

Nakapag-file na ang incumbent Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez kahapon kasama ang kanyang mga konsehal.
Inaasahan naman na magfafile na rin ng kanyang COC ang kanyang nakikitang makakatunggali sa halalan na si Dating Mayor Brian Lim para sa pagka-alkalde sa lungsod sa susunod na mga araw. (Oliver Dacumos)