BOMBO DAGUPAN – Mahigpit na tinututukan at tinutugunan ng National Bureau of investigation o NBI ang mga idinudulog na reklamo ng mga biktima ng scam sa rehiyon uno.

Ayon kay Ferdinand Lavin, regional Director ng National Bureau of investigation o NBI regional Office 1, bago magbigay ng hinihinging pera sa mga lumalapit sa kanila ay mag inquire muna sa NBI at alamin kung nakarehistro sila sa Securities and Exchange Commission o SEC.

Paliwanag nito na minsan ay malaki ang hinihingi o sino-solicit nilang halaga kapalit ng produkto ngunit wala namang existing na business o negosyo.

--Ads--

Samantala, nanawagan naman ito sa mga magulang na bantayang maigi ang mga anak upang hindi mabiktima ng mga nag aalok ng trabaho pero ang bagsak nila ay sa club.

Sakali aniyang mabiktima ng scam at human trafficking ay agad magreport sa NBI para mabilis na maaksyunan.