BOMBO DAGUPAN -Nangunguna sa listahan ng Department of Trade and Industry o DTI ang mataas na bilang ng mga unfair trade practices o deceptive sales practice.

Ayon kay Natalia Dalaten, provincial director ng Department of trade and Industry Pangasinan, base sa kanilang assessment at monitoring, marami silang natatanggap na reklamo kung saan iba na ang laman ng box na nabibili nila.

Piinag iingat ng DTI ang publiko kung may sales sa mga inaalok na produkto dahil pag minsan sinasabing bumaba ang presyo ng isang produkto pero ang totoo ay walang pagbabago o wala talagang pagbaba sa presyo.

--Ads--

Gayundin ang pagsasabi na kailangang ayusin o i-repair ang produkto kahit na ito ay maayos at walang sira. Ito aniya ay tinatawag na deceptive sales practice.

Ang deceptive sales practice ay isang mapanlinlang at hindi patas na pagbebenta.

Kaya payo niya sa mga mamimili na mag ingat , maging mabusisi at tignan ang expiration date.