Dagupan City – Isa sa nakikitang motibo sa mabilis na pagsiklab at pagkalat ng apoy na ikinasawi ng 25 katao ay ang sobrang gas tank sa ilalim ng bus sa isinagawang field trip sa Thailand.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Edmar John Buiquil, Bombo International News Correspondent sa Thailand, lumalabas kasi sa inisyal na imbistigasyon na nasa 11 gas tank ang nasa ilalim ng bus malayo sa tamang bilang na 3 lamang.

Ang bus ay naglalaman naman ng nasa 44 kasama na ang mga guro at mga mag-aaral na nasa kinder, grade 1 hanggang grade 4.

--Ads--

Aniya, huling namataan ang mga ito sa kanilang desitinasyon sa isang sikat na templo sa Thailand dakong alas-9 ng umaga. Matapos nito ay umalis naman sila papunta sana sa susunod na destinasyon dakong alas-12 ng tanghali.

Dito na nangyari ang malagim na trahedya matapos na bumangga sa isang barikada ang bus at lumalabas na biglang lumiyab ang gulong nito, hanggang sa mabilis na nga itong kumalat.

Natupok nito ang bus na ikinasawi ng 23 mga mag-aaral at 3 guro. Naitakbo pa ang 2 estudyante sa pinakamalapit na pagaumtan ngunit agad din itong binawian ng buhay.

Nakaligtas naman ang driver at isinuko ang sarili upang magbigay ng impormasyon sa pangyayari. Habang nakauwi na rin ang mga nakaligtas sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa kabila nito, nanantili naman ang field trip sa bawa’t paaralan sa bansa, ngunit sinisigurong nacheck muna ang mga ito bago tuluyang bumyahe.