DAGUPAN CITY – “We take full reponsibility.”
Yan ang ibinahagi ni Lingayen, Pangasinan Mayor Leopoldo Bataoil sa mga kritisismo matapos matagpuan kamakailan ang bangkay ng isang PSU student sa Capitol Beach Front sa naturang bayan.
Ayon kay Bataoil, ang Kapitolyo ay sakop pa rin ng LGU Lingayen kung saan mandato nito na protektahan ang seguridad at kapayapaan sa lugar gaya na rin ng mga national at regional government offices sa kanilang bayan.
Pagpapaliwanag pa nito, hindi nila kayang bantayan ang bawat sulok ng bayan kaya paalala ng alkalde ang kooperasyon ng bawat isa at palagiang maging alerto.
Samantala, mariing naman nitong pinabulaanan ang usapin kaugnay siguridad sa bayan ng Lingayen.
Aniya, ligtas na ligtas pa rin ang kanilang bayan para sa mga bisita at turista na magtutungo sa mga pook pasyalan.
Ibinahagi din niya na madami ng establisyemento ang nakahanda sa Lingayen at mga aktibidad sa mga susunod pang buwan at sa susunod na taon.
Gaya na lamang ngayong papalapit na undas ay inaasahan na maraming mag-uuwian at magtutungo sa Lingayen para mamasyal.
Humihingi naman ito ng kooperasyon ng bawat isa gayundin ang pagpapakilala sa kanilang bayan upang lalo pang dumami ang mga bibisita.