Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bayan ng Bagamanoc sa Catanduanes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay nasa lalim na 38 kilometro, at inaasahan ang mga aftershock.

Iniulat ng Phivolcs ang mga sumusunod na lakas na naramdaman sa iba’t ibang lugar:

--Ads--

Lakas IV: Virac (Catanduanes) at Tabaco City (Albay)
Lakas III: Mercedes (Camarines Norte), Caramoan at Sagñay (Camarines Sur), at Sorsogon City (Sorsogon)
Lakas II: General Nakar (Quezon), Legazpi City (Albay), Daet (Camarines Norte), Iriga City, Ragay at Sipocot (Camarines Sur), at San Roque (Northern Samar)
Lakas I: Jose Panganiban (Camarines Norte), Claveria (Masbate), Bulusan (Sorsogon), at Gandara (Samar)

Nilinaw ng Phivolcs na ang mga iniulat na lakas ay batay sa karanasan ng mga tao, habang ang instrumental intensity ay sinusukat gamit ang kagamitan.

Sa kabutihang palad, walang naitalang malubhang pinsala.