DAGUPAN CITY- Hindi pa naglalandfall ang bagyong Krathon, subalit nakakaranas na ng malakas na pag ulan at hangin sa bahaging timog ng Taiwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jason Baculinao, Bombo International News Correspondent sa Taiwan, inaasahan nilang maglandfall ito sa bukas ng hapon, araw ng miyerkules, sa nasabing bahagi at dadaan sa gitna ng Taiwan.

Aniya, nakakategorya na ito bilang Super Typhoon at ang pinakamalakas na bagyo sa kanilang bansa para sa taong ito.

--Ads--

Kaya pinag iingat ng kanilang gobyerno ang mga mamamayan sa maaaring maidulot nito sa kanila.

Kaugnay nito, may centralized notification system ang Taiwan na ginagamit ng mga otoridad upang magpaalala sa mga tao.

Sinuspinde naman ang mga klase at trabaho sa bahaging timog. Nagkakaroon na din ng pre-emptive evacuation notice ang mga lokal na pamahalaan.

Sinabi din ni Baculinao, nagkakaroon na rin ng panic buying ang mga tao at halos naubos ang paninda sa mga pamilihan.