DAGUPAN CITY- Naging maayos at mapayapa ang unang araw ng pag-file ng certificate of candidacy ng mga nais tumakbo sa mid-term election sa bayan ng Alcala.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III ng Commission on Election Office sa naturang bayan, 10 ang matagumpay na aspirant ang nagfile ng kandidatura sa kanilang unang araw.
Aniya, isa rito ang para sa alkalde na ipinasa ng kanilang dating aklalde na si MTC Collado. Habang nagfile naman bilang bise alklade si incumbent Mayor Jojo Callejo. Nagfile naman bilang Sanggunian bayan member ang kanilang kasalukuyang bise alkalde. Anim naman na incumbent Sangguniang Bayan member, isang dating miyembro, at isang punong barangay ang nagfile para sa Sangguniang Bayan. Ang mga ito ay nasa iisang partido lamang ng Lakas CMD.
Inaasahan na rin nila ang iba pang magpapasa ng kandidatura sa susunod pang mga araw dahil may mga nagpasabi na sa kanila para sa piling araw.
Sinabi din ni Pagdanganan na nakipag-coordinate sa kanila ang bagong hepe ng kapulisan sa kanilang bayan upang matiyak ang kaligtasan.
Nagpaalala naman siya para sa mga nagbabalak na mag-file ng CoC na hindi dapat lalagpas sa anim na buwan ang litratong kinuha para sa kanilang passport size picture
Mabibili lamang din ang documentay stamp sa BIR Calasiao o sa lungsod ng Dagupan. Hindi na aniya ito madaling bilhin dahil may kakailanganin pang fill up-an na siyang ibibigay sa BIR.
Kaugnay nito, limang piraso laang sa bawat tao ang makakabili nito.
Sinabi naman ni Pagdanganan na 7 kopya ng CoC ang kinakailangan sa bawat nais kumandidato. Mapupunta ang ilang kopya sa Law Department, Election Registration Services Department (ERSD) ng ComElec, Office of the Election Officer, at Comelec Website.
Samantala, alas 3 ng hapon noong Setyembre 30 nang mag-cut off ang kanilang opisina para sa pagtatapos ng voter’s regisration.
Umabot sa 916 ang bilang ng mga nagparehistro simula noong Hulyo hanggang sa Setyembre. Karagdagan ito sa kabuoang 31,175 na mga nagparehistro.
Ani Pagdanganan, naabot nila ang kanilang target na bilang.