Dagupan City – Nagtala ng maliit na datos ang unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa kabila nito ay sinabi naman ni Atty. Ericson Oganiza, Provincial Election Supervisor III, na handang-handa pa rin ang bawa’t tanggapan sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan sa pagtanggap ng mga maghahain sa eleksyon.
Sa katunayan aniya, katuwang ng mga ito ang hanay ng kapulisan at iba pang mga ahensya para masiguro ang seguridad ng bawa’t aspirant at mapanatili ang kayusan.
Ipinaalala naman nito ang mga do’s and dont’s sa filing ng COC’s. Gaya na lamang na maari lamang silang magsama ng 3 companion sa loob ng opisina, pagsusuot ng mga political color na damit, at pagpapakilala bilang aspirante lamang. Binigyang diin naman nito ang mga hindi dapat gawin gaya na lamang ng pagtataas ng kamay ng isang partido, at paghingi kaagad ng boto sa publiko.
Samantala, ayon naman kay Atty. Michael Frank Sarmiento, Election Supervisor ng Comelec Dagupan, sa loob ng 7 buwan na pagsasagawa ng voter’s registration, tumaas ang datos ng kanilang mga botante.
Kung saan ang dating nasa 140,000 botante ngayon ay umabot na sa 141,330 voters at inaasahang madaragdagan pa kapag nag-qualify at pumasa sa requirements ang mga natirang aplikasyon.
Bagama’t wala pa naman aniyang nakikitang naghahain ng kanilang candicacy, inaasahan naman aniya na ang mga “BIG NAMES” sa pulitika sa syudad na maghahain sa huling araw ng filing.
Ayon naman kay Gloria Cadiente, Election Officer IV, COMELEC Mangaldan, sa loob ng 2 beses na nitong nagfafacilitate sa bayan, wala pa naman itong nasaksihan na girian kundi nagiging payapa at maayos itong natatapos.
Nanawagan naman ito na kapag magpapasa ng COC ay siguarduhing completely filed at well-complied ang mga dokumentong kinakailangan.
Binigyang diin naman nito na ang COC ay back-to-back at hindi 2 pages. Nasa kabuuang higit 69,000 voters naman ang naitala sa bayan.
Sa kabilang banda, maagang nagfile naman ng COC si Incumbent 2nd district board member Philip Cruz.
Aniya, naniniwala ito sa katagang “the early bird, catches the worm”.
Kung kaya’t pinili na nitong mauna, upang hindi na nito isipin pa sa mga susunod na araw.