Dagupan City – Sumalpok ang motorsiklo na sinasakyan ng 2 menor de edad sa isang tricycle sa bayan ng Aguilar.

Ayon kay PMaj. Mark Ryan Taminaya, Chief of police ng Aguilar Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-6:30 ng gabi sa kahabaan ng Tarlac-Pangasinan National Highway sa Barangay Calsib sa nasabing bayan.

Kung saan kinilala ang mga nasangkot na sina Zaldy Delosantos Zarate, 32-anyos at ang dalawang menor de edad, 17-anyos at ang backride nitong 13-anyos, at residente sa bayan ng Mangatarem.

--Ads--

Lumalabas naman sa inisyal na imbistigasyon na habang binabaybay ng tricycle ang kakalsadahan tungo sa nasabing bahagi ay biglang bumungad ang isang motorisklo, doon na nawalan ng kontrol ang driver ng motorsiklo, dahilan upang ito ay dumausdos at bumangga sa tricycle.

Nagtamo naman ng mga sugat ang mga ito at napag-alaman na wala silang suot na helmet at reflectorized vest.

Nagpapagaling naman na ang mga sangkot, habang inaalam pa kung ano ang magiging desisyon ng mga ito sa pangyayari matapos magkausap ang dalawang panig.

Nagpaalala naman ito na sundin ang batas trapiko at iwasang uminom kapag magmaneho.