Mga kabombo! Ano ang una mong gagawin kung makakita ka ng isang higanteng sanggol?
Tila ba’y nabalot ng takot at ikinagulat ng mga residente sa England ang inilagat na ang isang giant baby doll sa kanilang town plaza.
Ayon sa ulat, isinalarawan ng mga residente ang giant baby doll bilang “creepy.”
Paano ba naman kasi, hindi mukhang “cute” ang sanggol na puinangalanang si Lilly na may taas na 27-feet.
Kung saan, hindi lang ito basta-basta statwa kundi- kaya pa nitong igalaw ang kaniyang sariling mga kamay at paa, gano’n na rin ang pagbukas at sara ng kaniyang bibig.
May mga grupo rin ng mga batang estudyante ang kinakantahan si Lilly ng “Twinkle, Twinkle Little Star.”
Lumalabas din na ipinasadya raw na ipagawa si Lily para sa mga estudyante na nakikipag-usap sa kaniya tungkol sa kanilang plano kung paano pangangalagaan ang mga hayop at ang kalikasan.
At sa katunayan ay magkakaroon din ito ng appearance sa gaganaping Wild Wanders event ngayong October 2024, kung saan ibabahagi ni Lilly ang mga ideas na nakuha niya sa mga bata.
Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung hanggang kailan naka-display si Lilly sa town plaza, pero ang initial report ay tatagal ito hanggang October 29.