Marami nang mga kabahayan sa Batanes ang nasira dulot ng pananalasa ng bagyong Julian.

Ayon kay Batanes Provincial Gov. Marilou Cayco, linggo nang gabi nang manalasa ang bagyo sa kanilang lugar kung saan nasa 27 pamilya na ang inilikas.

Sinira nito ang mga kabahayan kung saan karamihan sa mga ito ay nilipad ang kanilang mga bubong.

--Ads--

Marami na aniya ang humihingi ng tulong subalit hindi nila ito mapuntahan dahil napakadelekado.

Nawalan naman ng kuryente at linya ng telepono ang mga kabahayan dahil sa malakas na hangin dala ng bagyo.

Alas 5 ng hapon kahapon nang itinaas sa Signal no.4 ang Batanes.