Maraming bilang ng tao ang nasawi matapos bumagsak ang isang single-engine plane nitong Sabado sa North Carolina, sa kakahuyan malapit sa First Flight Airport ng Wright Brothers National Memorial sa Estados Unidos.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Transportation Safety Board ng nasabing bansa at naabisuhan na rin ang kanilang Federal Aviation Administration.

Samantala, hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang bilang at pagkakakilanlan ng mga nasabing nasawi at nasaktan mula sa nanyaring insidente.

--Ads--

Inaalam na rin ang sanhi ng pagbagsak, kung saan nagresulta ito ng pagkasunog ng eroplano.

Dahil sa nangyari ay pansamantalang sarado ang operasyon sa nasabing airport upang bigyang daan ang imbestigasyon. (LUZ CASIPIT)