Matagumpay ang isinagawang pangalawang community service para sa mga Overseas Filipino Workers o OFW na pinangunahan ng Philippine Eagle Inc. sa Hongkong.
Ayon kay Marlon Pantat De Guzman, Bombo International News Correspondent sa Hong Kong, isinagawa ang Free Blood Glucose and Blood Pressure and feeding program sa St. Vincent Catholic Chapel na matatagpuan sa Hang Hau Road, Clear Water Bay, Kowloon sa Hongkong.
Sinabi ni De Guzman na ito ay isang mission o adhikain ng kanilang organisasyon na matulongan ang mga kababayan sa Hongkong.
Humigit kumulang 50 OFWs ang nakibahagi sa unang batch at ito ay nadagdagan pa pagkatapos ng ikalawang misa.
Una rito, nagkaroon na rin ng ganitong gawain noong nakalipas na taon kung saan humigit kumulang 100 na OFW ang naserbisyuhan.
Nabatid na ang nasabing aktibidad ay may pag sang ayon ng Philippine Consulate General sa Hongkong.