Mga kabombo! Isa ka ba sa mga kilalang manga collector?

Ano kaya ang kaya mong gawin kng ang iyung pinaka-iingatan na collection ay itinapon? Ang masaklap, nanay mo pa ang gumawa.

Ito kasi ang nangyari sa 20-anyos na isang manga collector sa Taiwan.

--Ads--

Ayon sa ulat, itinapon ng isang ina ang comics collection ng kanyang anak na lalaki—at pinagmulan iyon ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Kung saan kamakailan lamang ay itinapon ng ina nito ang kaniyang collection na 34-volume manga comics na Attack on Titan.

Depensa naman ng ina nito, sa dami na umano ng comics collection ng anak ay nauubusan na sila ng espasyo. Kung kaya’t nang maobserbahan niyang inaamag na ang mga kopya ng Attack on Titan ay nagdesisyon siyang itapon na lang iyon para lumuwag-luwag nang konti ang espayo sa kanilang bahay.

Inamin naman ng ina na hindi nito ipinaalamang ginawa sa collection ng anak dahil wala ito noon sa bahay. Kung kaya’t laking gulat na lamang din ng anak nang umuwi ito sa kanilang tahanan at bigla na lamang nawala ang mga kopya ng kanyang comics.

Dahil sa galit, isinumbong nito ang ina sa mga pulis at sinampahan pa ito ng reklamo sa korte. Aniya, sinira ng ina ang kanyang personal property nang wala siyang consent.

Rason ng anak, ang Attack on Titan ay sikat na sikat na manga comics, at dahil itinapon ng ina ang kopya, mahihirapan na umano itong makakita ng panibagong collection na kumpleto ang volume.

Sinabi rin ng anak ni Chien na ang 34 volumes ay hindi na ni-reprint ng publisher kaya itinuturing na ngayong collector’s items—at siyempre pa ay mataas na ang presyo.

Dahil dito, nagdesisyon ang korte, na kahit ang dalawa ay mag-ina, dapat nirespeto ni Chien ang karapatan ng anak sa mga sarili nitong pag-aari, gaya ng manga comics collection. Pinagbayad si Chien ng korte ng NT$5,000 bilang danyos perhuwisyo, o higit P8,700.

Mga kabombo! Ang Attack on Titan ay Japanese manga series na sinulat at iginuhit ni Hajime Isamaya.

Na-serialize ito sa monthly magazine na Bessatsu Shonen Magazine mula September 2009 hanggang April 2021.
Ang bawat chapters nito ay ginawang comic book at may 34 volumes. Number 8 ito sa Top 100 Manga of All Time