Isang lalaki sa United Kingdom ang nakapagtala ng Guinness World Record matapos nitong dalhin sa Malvern Autumn Show ang kaniyang halamang gulay na celeriac. Ito ay dahil umano sa bigat nito.

Nakatanggap na lamang si Graham Barratt ng mensahe na nakamit ng kaniyang halaman ang record ng pinakamabigat na celeriac. Ang celeriac ni Barratt ay may bigat na 13-pound at sapat para makuha ang titulo.

Maliban riyan, dinala rin ni Barratt ang iba pa niyang malalaking halamang gulay tulad ng cucumber ngunit hanggang pangalawang record lamang ang nakuha nito at hindi ang titulo.

--Ads--

Aniya, may bigat ito ng 29 pounds habang ang world record ay may 30 pounds.