Ang bawa’t kumpaniya ay nangangailagan ng mga manggagawang magbibigay ng serbisyo para magawa ang mga trabahong kinakailangan at mapagana ang produksyon nito.
Sabi nga nila, ang mga manggagawa ang nagsisilbing instrumento para matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng bawa’t indibidwal.
Gaya na lamang sa ating bansa, kung saan – ang bawa’t mga manggagawa ang may malaking gampanin pagdating sa mga serbisyo kahit saan mang establishimento. Gaya na lamang ng mall, hospital, paaralan at iba pang industriya.
Kung kaya’t ganito na lamang din ang pagsulong at panawagan ng iba’t ibang sektor sa pagsigaw ng kanilang karapatan.
Sa ating bansa, isa si Sir Jerome Adonis, ang Secretary General ng Kilusang Mayo Uno sa mga patuloy na nagbibigay boses sa mga manggagawang lumalaban ng patas ngunit nanantiling salat pa rin at nalulugmok sa hirap.
Ayon kay Adonis, nagsimula ito sa iba’t ibang uri ng trabaho na siyang nagpamulat sa kaniya sa realidad ng sitwasyon sa labor sector.
Aniya, bagama’t hindi ito sanay na mamuno sa isang organisasyon, ay nilakasan pa rin nito ang kaniyang loob para magbigay ng lakas ng loob sa mga mangagagawang nangangailanagn ng boses para mapakinggan ng pamahalaan.
Isa naman aniya sa pinaka-satisfying na parte sa kaniyang tungkulin ay sa kabila ng mga pagbabanta at panggigipit na nararanasan ng kanilang organisasyon, ay masaya parin siya tuwing nakikita na nananatili matibay ang pundasyon sa pakikipaglaban ng mga manggagawa
Sa kabila naman ng hirap at dagok sa kaniyang trabaho bilang Secretary General, pinanghahawakan niya ang patuloy na nakikitang mga kakulangan sa pagbibigay ng nararapat sa mga manggagawa sa bansa.