DAGUPAN CITY- Isang magandang bagay para sa grupong NACTODAP ang karagdagang extension ng consolidation upang mas mabigyan pa ng sapat na tulong ang mga nais mag-modernize.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Areil Lim, National President ng naturang grupo, malinaw na nakita ng Department of Transportation (DoTr) ang epekto ng mga unconsolidated partikular na sa tuwing nagkakaroon ng Transport Strike ang ilang grupo tulad ng Manibela.
Hindi naman niya sinang-ayunan ang 83% na datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa bilang ng mga nakapag consolidate dahil nakikita pa rin ang mga kakulangan.
Kaugnay nito, naniniwala si Lim na maling report ang ibinigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya nanindigan itong hindi magkakaroon pa ng extension.
Bagaman hindi sila tutol sa deadline ng programa subalit kinakailangan pa rin aniya ng masusing pag-aaral at siguraduhing maayos na bago ipatupad.
Problema pa din kase ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) dahil bukod sa mga jeepney ay kinakailangan din ng rerouting para sa mga iba pang public transportation.
Sinabi ni Lim na kailangan din na walang matatamaang karapatan ng iba pang transport sector tulad ng mga taxi at tricycle.
Maliban diyan, hindi din sapat ang pondo ng LTFRB at DoTr upang maisulong ang programa. Kaya kinakailangan pa na mapag-usapan ito sa senado upang matugunan ang mga pagkukulang kabilang na ang tulong suporta.
Nagkakaroon pa aniya ng problema sa kanilang pag-uutang sa mga bangko dahil sa dami na din ng mga umutang para sa programa.
Gayunpaman, naniniwala si Lim na maisasaayos na ito sa kasalukuyang administrasyon dahil kumpara sa nakaraang pitong taon ay nakikita na ang mga kakulangan at problema nito.
Samantala, ang karagdagang extension ang magbibigay daan para sa maintainance ng mga modernized unit upang makatulong sa mga prangkisa