Kinumpirma ng Hezbollah ang pagkamatay ng pinuno nito na si Hassan Nasrallah matapos ang pag-atake ng Israel sa Beirut, Lebanon
Si Nasrallah, na hindi nakikita sa publiko sa loob ng maraming taon dahil sa takot na mapatay ng Israel, ay isa sa mga kilala at pinaka-maimpluwensyang tao sa Gitnang Silangan.
Nagpapatuloy ang mga air strike sa southern Beirut, kung saan ay makikita ang makapal na usok na tumataas sa ilang mga lokasyon sa Dahieh.
--Ads--
Samantala, noong Biyernes, sinabi ng mga opisyal ng Lebanese na anim na tao na ang nasawi at 91 ang nasugatan sa isang air strike, kasama ang mga lokal na opisyal na nagsasabi na halos 800 katao ang napatay sa mga air strike ng Israeli sa Lebanon mula noong Lunes.