Hindi bababa sa 33 katao ang nasawi, pagkatapos na tamaan ng Hurricane Helene ang Florida at ilang iba pang bahagi sa timog-silangan ng Estados Unidos.
Kung saan ito ay nag-iwan ng bakas ng pagkawasak at may ilang mga lugar na nasa ilalim pa rin ng mga alerto sa baha.
Sinabi ng mga awtoridad na ang Florida ay nakaranas ng pitong pagkasawi, ang kalapit na Georgia ay nagtala ng 11, at ang South Carolina ay nagtala naman ng 14 na pagkamatay kabilang ang dalawang bumbero. Habang ang North Carolina ay nag-ulat ng isang pagkamatay.
Sa kasalukuyan ay maraming residente pa rin ang nawalan ng suplay ng kuryente lalo na sa malaking bahagi ng North at South Carolina, Georgia, Florida, Ohio, West Virginia, Tennessee at Virginia.
Inaasahan naman ng National Hurricane Center na tuluyang lalayo sa kalupaan ng Atlanta ang nasabing bagyong Helene.