Pinaburan ng Department of Budget and Management (DBM) ang mabilis na pag-apruba sa panukalang P6.352 trillion na 2025 budget.
Kung saan sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ang mga kongresista para sa masusing pagbusisi sa panukalang budget ay katanggap-tanggap na aksyon.
Ipinaabot naman nito ang kaniyang pasasalamat sa departamento sa Senado para sa pangakong pagpasa ng budget sa takdang oras.
Matatandaang nitong linggo na lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang 2025 General Appropriations Bill, matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Habang tututukan naman sa susunod na taon, 2025 budget ang edukasyon, agrikultura at food security, health care, social protection, kalakalan, imprastraktura, at innovation.