Patuloy na kumikilos pa-Timog Timog-kanluran sa Philippine Sea ang Bagyong “Julian.”

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 400 kilometers East Southeast ng Basco, Batanes o 435 kilometers East ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 70 kilometers per hour malapit sa gitna.

--Ads--

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20km/h.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa sumusunod na lugar: Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Northeastern portion ng Isabela, Eastern portion ng Apayao.

Mataas ang tiyansa na kumilos ito pa-Kanluran palapit sa extreme Northern Luzon.