DAGUPAN CITY – Sang ayon ang Magsasaka Partylist sa pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, ngunit sinabing isa sa mga maaaring maging pagsubok ay ang pagpili ng mamamahala sa nasabing batas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mr. Argel Joseph Cabatbat ang Chairman ng Magsasaka Partylist, ikinatutuwa at suportado ng grupo sa pagpirma ng nasabing batas, ngunit hindi doon natatapos doon ang problema at maaaring sumunod na dagok ay ang mamamahala na maaaring pagkatiwalaan at mag-implementa ng batas na ito.

Aniya, isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ay ang pagtaas ng presyo ng bigas ngunit hindi naman tumataas ang presyo ng palay, kung saan ang may kontrol sa presyo nito ay hindi ang batas kundi mga traders at hoarders na nais mapigilan ng mapahalaan kaya’t pinirmahan ang nasabing batas.

--Ads--

Hiling ng grupo na sana maging malinaw ang gagawing implementing rules and regulations o IRR upang sa gayon ay makasuhan ang mga smugglers, hoarders at iba pa.

Dagdag pa nito, dapat masigurado na maganda ang depinisyon ng IRR ng Department of Agriculture at ng iba pang ahensiya ng gobyerno upang makita kung sino talaga ang mga lumalabag sa mga isinasagawang batas.

Sa ngayon ay nakikita ng grupo ang mas pinatitindi ang mga parusa sa mga mahuhuling nag-iimport ng walang permit, gayon din sa mga may-ari ng mga wet house, na mapatunayang somobra sa 30 persiyento sa kanilang inventory at nahuli sa pagho-hoarding.

Nanawagan ang grupo sa pamahalaan na huwag magfocus sa importasyon ng bigas dahil maaaring ikamatay ito ng industriya ng mga produkto na ipinapasok at pinapatawan ng mababang taripa. Dahil hindi umano importasyon ang makakaresolba sa food inflation kundi mga Pilipinong magsasaka.

Suhestiyon pa na sana pakinggan ng gobyerno ang mga stakeholders kasama ang mga magsasaka at private citizens sa pag-aambag sa IRR, upang maging malinaw ang mga regulasyon sa paglabas ng nasabing batas at mabigyan ng malaking authority ang National Food Authority (NFA) ng gobyerno upang mamonitor ang presyo ng bigas at hindi lang nakadepende sa mga private importers.