Dagupan City – Nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa at homicide ang 21-anyos na kasintahan umano ng biktima matapos mahuli ng mga otoridad sa mismong himpilan ng Lingayen MPS.

Ayon kay PLtCol. Amor Mio Somine, Acting Chief of Police ng Lingayen MPS, sa loob ng 26 oras na pag iimbestiga ay nahuli ang suspek matapos itong personal na nagtungo sa kanilang himpilan para magbigay din ng testimonya sa biktima.

Ngunit nakita ito ng isa sa mga nakasaksi o witness at positibong itinuro ang suspect.

--Ads--

Base sa salaysay ng mga witnesses, nakita umano nila na nag-aaway ang biktima at suspect sa gabing bago maganap ang krimen.

Ayon sa isang tindera, napansin nito ang magkasintahan matapos pagbentahan niya ng paninda at nang makabalik sa kinaroroonan ng dalawa ay napansin nito ang suspect na naghuhukay habang nakahiga naman ang biktima.

Dagdag pa ni Somine, lumalabas din sa mga kuha ng CCTV na nag-grocery pa umano ang magkasintahan, hanggang sa nakita ito dakong 8:17PM na nagtetext papunta sa bahagi ng baywalk. Doon na rin umano last na nakitang buhay ang biktima.

Dito na rin umano napaamin ang suspek sa kaniyang nagawa sa kanyang nobya.

Sa kabila ng pagkahuli sa suspect ay patuloy pa rin ang pangangalap nila ng impormasyon sa nangyaring insidente kung may kasabwat ba ang suspect sa krimen.