Dagupan City – Pinuri ni Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III ang pamunuan ng Lingayen Municipal Police Station at Pangasinan Police Provincial Office sa mabilis na paglutas ng pagmamaslang sa isang estudyante ng Pangasinan State University.
Ayon kay Governor Guico, sa loob lamang ng 26 oras mula ng matuklasan ang bangkay ng estudyante ay nahuli na ang suspect na kasintahan ng biktima.
Binigyang diin pa nito na isang isolated case ang insidente at maituturing na crime of passion dahil sa mga ebidensiyang nakalap ng kapulisan.
Tiniyak pa ng gobernador na prayoridad nito ang kaligtasan ng bawat Pangasinense sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa Pangasinan PPO at iba pang law enforcement agencies para maiwasan ang anumang uri ng krimen sa probinsiya.
Dagdag pa nito, isinasaayos na rin ang Capitol Beachfront sa pamamagitan ng mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na tutunguhin ng publiko dahil sa mala-BGC ang ganda nito.
Matatandaan na natagpuan ang bangkay ng biktima na kinilala na si Evalend Salting, 20 anyos at third year student ng PSU sa may tabing dagat ng bayan ng Lingayen kung saan ang nahuling suspect ang kasintahan nito.