Mga kabombo! sabi nga nila ang pusa ay may siyam na buhay. Ngunit paano kung ang isang tao naman ay nagkaroon ng ganitong pagkakataon?
Namangha kasi ang mga nitizen sa kwentong dala ng lalaking kinilalang si Frane Selak na ipinanganak noong June 14, 1929 sa Dubrovnik, Croatia.
Ayon kasi sa ulat, ang mga nangyari kay Frane ay maihahalintulad sa isang movie story na mahirap paniwalaan, pero totoong naganap.
Si Frane ay isang guro na binansagang laging hinahabol ng kalawit ni Kamatayan.
Lumalabas kasi sa kwento noong 1962, na habang pauwi si Frane mula sa Sarajevo pabalik sa Dubrovnik ay aksidenteng nahulog ang kanyang sinasakyang train sa ilog.
Kung saan 17 kapwa pasahero niya ang nasawi, pero nagawa niyang makalangoy papunta sa gilid. Himala naman itong nakaligtas.
Sa ikalawang pagkakataon, bumiyahe siya mula Zagreb papuntang Rijeka sakay ng eroplano, hanggang sa aksidenteng natanggal ang pinto ng eroplano, at bumulusok iyon hanggang tuluyang mag-crash. 19 na indibidwal rito ang nasawi at muli na namang nakaligtas si France.
Hanggang sa taong 1966, ang sinasakyan niyang bus ay nahulog na naman sa ilog, 4 dito ang nasawi at—ligtas na naman si Frane at nagtamo lamang ng ilang galos.
1970, sumabog naman ang gas tank ng kotseng minamaneho niya, ngunit nakaligtas na naman ito. 1973, isa na namang car accident ang naligtasan niya. May mga sumunod pang naitala at sa kabuo-an tinatayang 7 na aksidenteng malapit sa bingid ng kamatayan ang kaniyang naranasan.
Ang plot twist naman sa panghuli bago io tuluyang nakaligtas, nanalo siya sa lotto sa Croatia ng US$800,871 o katumbas ng higit P44 Milyon.