DAGUPAN CITY- Nakahanda na ang Commission on Election Pangasinan sa huling araw ng voter’s registration sa katapusan at sa pagsisimula naman ng filing of certificate of candidacy sa Oktubre 1.
Ayon kay Atty. Ericson Oganiza, Provincial Election Officer ng Comelec Pangasinan, umaabot na sa 2,113,120 ang bilang ng mga registered voters mula noong buwan Huylo ngayon taon. Habang sa buwan ng nobyembre maisasapinal ang bilang ng mga ito para sa Setyembre 30.
Aniya, wala silang naitatalang pagkakaroon ng hakot system at nasa normal na kalagayan ang kanilang mga namomonitor sa bawat bayan ng lalawigan.
Bukod pa riyan, nakahanda ang kanilang tanggapan para sa pagsisimula ng filing of cerificate of candidacy na magaganap sa Oktubre 1-8.
Nakipag-ugnayan na rin sila para matiyak ang kaligtasan ng mga aspirant. Maaari lamang din na magdala ng tatlong indibidwal ang aspirant upang samahan sila.
Dagdag pa niya, nagkakaroon na din sila ng pagpupulong sa mga Election Officers.
At sa ngayon, wala pa silang nakikitaang Officer na kailangan ilipat dahil sa mayroon itong kakandidatong kamag-anak sa kanilang distrito.
Magkakaroon din ng demo sa mga automated voting machine lalo na sa mga maraming registered voters.