Mga kabombo! Isa ka ba sa mga kalalakihang naniniwala sa kasabihan na kapag malaki ang iyung ari ay mayroon kang ipagmamalaki?

Handa ka bang sumailalim sa isang operasyon para lamang makamit ito?

Bagama’t maituturing itong isang kritikal na proseso. Isang lalaki sa Thailand ang nagpanggap na doktor para lamang kumita ng pera, ang kapalit, nagsasagawa ito ng isang nagpe-perform ng penis enlargement procedure.

--Ads--

Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si Kittikorn Songsri, 36-anyos. Kung saan, nahuli siya ng mga pulis sa isinagawang sting operation kung saan nakita itong nagsasagawa ng silicone injections at pearl implants.

Ngunit hindi lang ito ang unang pagkakataon dahil aniya, 20 taon na niya itong isinasagawa.

Natuklasan na lamang ito nang inireklamo siya ng isang customer na tinamaan ng severe infection matapos ang procedure. Doon na umamin ang suspek sa mga pulis at sinabing hindi siya totoong doktor at nakatapos lang siya ng Mathayom Suksa 3, o Grade 9.

Natuto naman siyang maglagay ng implants sa kaselanan ng lalaki noong 14 years old siya sa pamamagitan ng pagre-research.

Nagpaalala naman ang health official’s ng Thailand sa publiko na ang pearl implants o filler injections for penis enlargement ay delikado, dahil bukod sa impeksyon, nagiging sanhi rin ito ng erectile dysfunction.