DAGUPAN CITY- Inaasahan ng Commission on Election Office sa bayan ng San Jacinto ang pagdagsa ng mga magpaparehistro sa mismong deadline dahil iilan pa rin ang nagpaparehistro.

Ayon kay Maja Chakri Indon, Comelec Officer sa naturang bayan, nasa kabuoang 28,000 pa lamang ang bilang ng kanilang mga botante. Inaasahan nila na maabot nila ang kanilang target bago magtapos ang voter’s registration sa Setyembre 30.

Aniya, umaabot na lamang sa mahigit 500 sa kanilang mga aplikante na makakahabol. Kaya buong nakahanda sila sa mga hahabol na magparehistro sa huling mga araw.

--Ads--

Samantala, nasa 1,827 naman ang bilang ng mga na-deactivate dahil sa bigong makaboto nang dalawang beses. Habang lumipat naman sa ibang lugar.

Kaugnay nito, ipinapanawagan nila sa mga residente na magparehistro na dahil wala na itong extension pa. Dahil susunod nang itatakda ay ang pagfile ng certificate of candidacy.

Dagdag pa niya na bukas ang kanilang tanggapan mula lunes hanggang sabado para sa mga hahabol magparehistro.