Tiwala ang Department of Agriculture na walang pagtaas sa presyo ng baboy sa Christmas holidays sa kabila ng epekto ng African Swine Fever (ASF) at ng inaasahang seasonal increase sa demand.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mas’ gusto ngayon ng mga hog producer na dagdagan ang volume ng baboy na kanilang ibinebenta upang mabawasan ang panganib ng ASF contamination.
Aniya, ang mga magbababoy, habang wala pa ang vaccine ay gusto nilang magbenta at magkatay kung kayat inaasahan na hindi tataas ang presyo ng baboy.
Ang prediksiyon ng kalihim ay kabaligtaran ng naunang pahayag mula sa hog raisers groups, na nagbabala ng posibleng pagtaas sa presyo ng baboy sa holiday season kapag patuloy na naging mabagal ang vaccination program laban sa ASF.