Pinangatawanan umano ng bise presidente ang pagtalikod sa kanyang responsibilidad sa sinumpaang tungkulin at accountability sa mga tao sa hindi niya pagdalo sa pagdinig ng komite
Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep.France Castro, sa panayam ng Bomdo Radyo Dagupan, dahil sa hindi pagdalo ni vice president Sara Duterte ay bahala na ang buong kapulongan na magdisisyon ukol sa budget ng Office of the Vice president.
Sinabi ni Castro na kahapon sana ang huling araw ng preliminary hearing kaugnay sa budget ng ahensya. Binibigyan sana umano siya ng pagkakataon na dumalo at idepensa ang budget ng office of the vice president.
Sinabi ni Castro na binawasan ng Makabayan ang budget ng OVP gaya na iba pang gastusin sa supply niya sa opisina niya at travel expenses.
Masyado aniyang malaki ang hinihiling na budget ni VP Sara pero binawasan ng committee on appropriation. Marapat aniyang bawasan dahil hindi niya kayang ipaliwanag ang kanyang travel expenses at malaking supply sa kanyang opisina.
Samantala, nanawagan din ang mga ibang kasama nito na magbitiw na lamang sa puwesto si VP Sara dahil sa pagbabalewala nito sa kanyang pangunahing tungkulin sa taumbayan at kabiguan na magampanan ang kanyang tungkulin.
Giit din ni Castro na wala ring political attack dahil ang lahat ng tinatalakay nila ay patungkol sa budget ng OVP. At kung mayroon mang hindi nila pagkakaunawaan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay dapat ihiwalay niya ito.